Mga Kababaihan sa Buhay ni Gat. Jose Rizal
Ang pamilyang Rizal ay isa sa pinakamalaking angkan noong kanilang kapanahunan. Si Gat. Jose Rizal ay pampito sa labing-isang supling nina Francisco Mercado II at Teodora Alonso Realonda. Hindi mapagkakaila na naging malaki ang impluwensiya ng pamilya sa lahat ng gawain ni Gat. Jose Rizal.
Nilalahad ng artikulong ito ang ambag ng ilang kamag-anak sa mga pananaw at paniniwala ni Gat. Jose Rizal.
Nilalahad ng artikulong ito ang ambag ng ilang kamag-anak sa mga pananaw at paniniwala ni Gat. Jose Rizal.
Noli Me Tangere at El Filibusterismo
Maria ClaraSi Maria Clara de los Santos, o kung minsan ay tawagin na Clarita, ay isa sa mga pangunahing panauhin sa nobelang Noli Me Tangere. Siya ay nilarawan sa akda bilang isang maganda, mahinhin at kaakit-akit na babae. Sa kanya karaniwang naikakabit ang karakter ng isang "dalagang Pilipina".
|
SisaSi Narcisa, o mas kilala bilang Sisa, ay ina nina Crispin at Basilio. Inilalarawan siya sa Noli Me Tangere bilang isang babaeng kayumanggi, at maganda sa loob at labas ng kaniyang kaanyuan. Kahit na maganda siya ay simple lamang siyang manamit at mag-ayos.
|
Donya victorinaSi Donya Victorina ay dating nagtrabaho bilang tagapag-silbi. Siya ang asawa ni Tiburcio de Espedana. Siya ay inilalarawan bilang isang Pilipinang lubos na iniidolo ang mga Kastila kung kaya't naging malaki ang impluwensiya nito sa kanyang karakter at pamamaraan ng pamumuhay. Madalas siyang manigarilyo ng tabako. Nakikita ang kanyang pagtanggi sa pagka-Pilipino sa panggagaya niya sa pamumuhay ng mga babaeng Kastila.
|
Donya ConsolacionSi Donya Consolacion ay asawa ng isang alferez. Dati siyang labandera ngunit nang maging alferez ang kaniyang asawa ay lagi na siyang nagsasalita sa wikang Espanyol kahit na napakapangit naman nitong pakinggan. Sa paningin niya, siya ay maganda, kilos reyna at mas maayos manamit kaysa kay Maria Clara. Sa paningin naman ng alferez, siya ay katawa-tawang manamit at amoy querida de soldados. Bukod sa mataas na pagtingin sa sarili ni Donya Consolacion, malupit din ito at mapanlait.
|
SalomeIsa sa mga bantayog ng peminismo sa mga akda ni Rizal ay ang tauhang si Salome; maaaring basahin ang pagpapakita ni Salome sa aklat na Noli me Tangere bilang tanda na may mga papel na gagampanan ang kababaihan sa rebolusyon.
|