Ang pangunahing tauhang babae sa Noli me Tangere ay walang iba kung hindi si Maria Clara, at siya ang unang lilitaw sa mga argumento tungkol sa tingin ni Rizal sa kababaihan, ngunit may natagpuang nawawalang kabanata ng nobela, at makikita rito ang isa sa mga maaaring ehemplo ng peminismo sa mga akda ni Jose Rizal.
Isa sa mga bantayog ng peminismo sa mga akda ni Rizal ay ang tauhang si Salome; maaaring basahin ang pagpapakita ni Salome sa aklat na Noli me Tangere bilang tanda na may mga papel na gagampanan ang kababaihan sa rebolusyon. Kahit kinikilala pa rin si Salome batay sa kanyang relasyon kay Elias — ang pamagat ng kabanata ay “Elias at Salome”, makikita pa rin sa tauhang ito ang katibayan at puwersa ng mga babae sa simula ng rebolusyon.
Pinayagan ni Salome si Elias na lumisan, walang protesta o pagtutol. Pinili niyang palayain ang kanyang minamahal dahil sa kalagayan ng mga pangyayari sa panahong ito; nais niya sanang makapiling si Elias sa Mindoro, kasama ang kanyang pamilya, ngunit naunawaan ni Salome na tumatawag na ang rebolusyon. Binilin ni Salome kay Elias na gamitin ang kanilang tahanan bilang santuwaryo, isang ligtas na lugar na maaari niyang balikan kung kakailanganin, at binilin ni Elias kay Salome na manatiling maganda upang makahanap ng kapalit. Lumayo ang binata sa dalaga, at sinundan ng titig ni Salome ang kanyang minamahal habang siya ay naglalakad palayo.
Mayroon ngang natitirang kalungkutan sa eksenang ito, pero tahimik lamang ang pagsasadula ng drama. Tinanggap ni Salome na hindi na maaaring tumuloy ang sintahan ng dalawa, at hinayaan niya si Elias na gawin kanyang kailangang gawin. Aktibo ang ginawang pagsasang-ayon ni Salome; pinili niyang palayain si Elias para sa rebolusyon kahit pwedeng maglaho ang kanilang pag-ibig, o mamatay ang kanyang iniibig. Walang luhang tumulo sa harap ng matinding sakripisyong inalay ni Salome sa rebolusyon; hindi tumakas si Salome sa situwasyon sa sumisingaw na damdamin.
Bukod pa rito, sinabihan ni Salome si Elias na maaari niyang gamitin ang kanyang tahanan bilang tulugan at taguan; nailalagay niya sa panganib ang kanyang sarili, walang bahid ng katakutan ang nagpapakita sa kanyang loob.
Ito ang maaaring papel ng kababaihan sa rebolusyon kahit hindi sila sumali sa pakikipagsapalaran; tulungan ang mga rebolusyonaryo, payagan ang kanilang mga minamahal na makibaka at makibahagi sa rebolusyon. Ito ay isang malaking sakripisyo ng sariling kaligtasan at kaginhawaan, at ito ay makikita sa imahe ni Salome.

Itos Ledesma