Ang peminismo ay isang hiram na konsepto mula sa Kanluran at ang terminong “peminismo” ay unang naipakilala noong ika-20 siglo. Bagama’t ganito ang kasaysayan ng peminismo, mayroon nang konsepto ng babaylanismo na likas sa mga katutubong Pilipino bago pa man dumating ang mga Kastila.
Bagama’t nagdala ang mga Kastila ng panibagong relihiyon at sinubukang sugpuin ang mga paniniwalang spiritwal ng mga katutubong Pilipino, buhay pa rin hanggang ngayon ang diwa ng babaylan sa may tunay na kagustuhang kilalanin siya at ang kanyang kaugnayan sa kanilang mga buhay.
“Ang babaing tagalog ay di na payuko at luhod; buhay na ang pag-asa sa panahong sasapit; wala na ang inang katulong sa pagbulag sa anak; na palalakihin sa alipusta at pag-ayop.”
- Liham ni Gat. Jose Rizal para sa Mga Kababaihan ng Malolos. 1956.