Si Narcisa o mas kilala bilang Sisa ay ina nina Crispin at Basilio. Inilalarawan siya sa Noli Me Tangere bilang isang babaeng maganda at kayumanggi. Kahit na maganda siya ay simple lamang siyang manamit at mag-ayos.
Tulad ng kaniyang kaluluwang ibinigay sa kaniyang mga anak, napakaganda ng kaniyang mga mata, mahahaba ang pilik at malalim ang tingin. Katamtaman ang kaniyang ilong, maputla ang mga labi na may kasiya-siyang hugis. Siya ang tinatawag ng mga Tagalog na may kayumangging kaligatan, kayumanggi ngunit malinis at dalisay ang kulay (Rizal 1998, 86).
Mahina ang kaniyang loob subalit siya ay labis na mapagmahal. Itinuturing niyang diyos ang kaniyang asawa at mga anghel ang kaniyang mga anak. Dahil sa pagturing niya sa kaniyang asawa bilang diyos, sinamantala nito ang kaniyang kabaitan at pagmamahal. Pinagmamalupitan at inubos ang kaniyang mga alahas. Dahil sa labis na pagmamahal niya sa kaniyang mga anak, nabaliw ito nang mawalay ang mga ito sa kanya.
Ayon sa kilalang manunulat at naging diplomat na si Pura Santillan – Castrence, maaaring iniisip ni Rizal ang kanyang ina noong panahong sinusulat niya si Sisa. Sa kaniyang The Women Characters in Rizal’s Novels 1960, “Rizal must have been thinking of the gentleness of his own real mother, Teodora Alonzo, “an unusually gifted mother,” according to Austin Craig, when he wrote about this fiction mother-character to whom her children where her all.” Ang ina ni Rizal na si Teodora Alonzo ay simple at mapagmahal sa pamilya at kamag-anak. Dahil nga sa pagmamahal niyang ito ay naparatangan siya at nakatanggap ng mga pasakit. Noong tinulungan niya ang kamag-anak niyang mag-asawa na magkaayos, sa halip na pasalamatan ay pinaratangan siyang nakikialam at gustong lasunin ang babae. Ang walang katotohanang paratang na ito ay maaaring nabigyang pansin dahil sa anak niya ang bayaning si Rizal kaya siya ay dalawang taong nakulong (Lopez-Rizal 1961, 4-5).
Ipinakita ni Rizal sa pamamagitan ni Sisa ang mga karaniwang Pilipinong ina sa kanyang panahon bilang “dukha, mangmang, at kahabag-habag sa maling pagtitiis” (Ongoco 1960, 53). Ang representasyon na ito ni Sisa ay pagpapaalala ni Rizal sa mga kababaihan upang huwag mabuhay sa maling pagtitiis at arugain ang asawa’t anak sa tamang paraan (Ongoco 1960, 53). Ang layunin ni Rizal ay ang manawagan sa mga kababaihan na huwag magtiis at manahimik sa pang-aabuso at pagpapasakit ng asawa at lipunan. Hindi lamang dapat pinapairal ang puso sa pagmamahal at maging martir na asawa kung hindi magmahal nang wasto.

Cathleen Mae Garcia