Ang tunay na pagka-babae ayon kay Rizal
A. Tunay na Katangian
Sa liham ni Rizal para sa mga kababaihang taga-Malolos, inuna niya ang pagtatanong kung isa nga bang karaniwan na katangian ng mga dalagang Pilipina ang katapangan. Na, sa noong panahon ni Rizal ay tila iisang katangian, na halos magkakatulad na anyo at galaw ang mayroon ang mga kababaihan:
Sa liham ni Rizal para sa mga kababaihang taga-Malolos, inuna niya ang pagtatanong kung isa nga bang karaniwan na katangian ng mga dalagang Pilipina ang katapangan. Na, sa noong panahon ni Rizal ay tila iisang katangian, na halos magkakatulad na anyo at galaw ang mayroon ang mga kababaihan:
“tunay at labis ang matamis na loob, ang magandang ugali, ang binibining anyo, ang mahinhing asal”. [3]
Pinuri naman ito ni Rizal, na sumasang-ayon na tunay na parte pa rin ito ng mga katangian ng pagka-babae, ngunit hindi nararapat na wala ang katangian ng katapangan na kung saan ito ang wawasto sa kung anong lebel ang nararapat sa mga katangiang nabanggit. Binaggit ni Rizal na ang mga katangiang ito ay nagiging parte at paraan ng pagkolonya sa mga kababaihan na kung saan,
“ngunit ang lahat ng ito’y laging nahahaluan nang lubos na pagsuyo at pagsunod sa balang sabi o hiling nang nagngangalang amang-kalulua (tila bang ang kalulua’y may iba pang ama sa Dios, dala ng malabis na kabaitan, kahabaan ng loob o kamngmangan kaya; anaki’y mga lantang halaman, sibul at laki sa dilim; mamumulaklak ma’y walang bango, magbunga ma’y walang katas.” [3]
Ngunit tila ngang hindi maiaalis ang katapangan sa mga Pilipinong babae. Patunay rito, ang katapangan at tindig sa sariling karapatan, ng mga dalagang taga-Malolos, na kung saa’y sa pagpetisyon ng mga kababaihang ito upang makapag-aral, ay doon napagtibay ni Rizal na hindi lamang nagtatapos ang katangiang ng mga Pilipina sa “tunay at labis ang matamis na loob, ang magandang ugali, ang binibining anyo, ang mahinhing asal”, kundi:
“Ang babaing tagalog ay di na payuko at luhod; buhay na ang pag-asa sa panahong sasapit; wala na ang inang katulong sa pagbulag sa anak; na palalakihin sa alipusta at pag-ayop. Di na unang karunungan ang pagtungo ng ulo sa balang maling utos; dakilang kabaitang ngisi sa pagmura, masayang pangaliw ang mababang luha.” [3]
Dito ipinakikita na salungat si Rizal sa patriyarkal na nosyon. Ang kanyang perspektibo sa mga kababaihan ay hindi dapat masunurin sa maling kapangyarihan bagama’t may “matamis na loob, magandang ugali, binibining anyo, at mahinhing asal.” Na hindi ibig sabihin na may ganitong katangian ang mga babae ay “magpapaloko” o magpapasakop sila sa mali. Idinagdag pa ni Rizal na hindi maidedeklara ang kahalagahan o kagandahan ng isang babae sa pag-ayon o di-pag-ayon nito sa mga namumuno sa relihiyon. Ngunit ang mahalaga ay alam mismo nito kung ano ang tama mula sa totoong nakaaalam nito.
“Napagkilala din ninyo na ang utos ng Dios ay iba sa utos ng Pari, na ang kabanalan ay hindi ang matagal na luhod, mahabang dassal, malalaking kuintas, libaging-kalmen, kundi ang mabuting asal, malinis na loob at matuid na isip. Napagkilala din ninyo na di kabaitan ang pagka masunurin sa anomang pita at hiling ng nagdidiosdiosan, kundi ang pagsunod sa katampata’t matuid, sapgkat ang bulag na pagsunod ay siyang pinagmulan ng likong paguutos, at sa bagay na ito’y pawang nagkakasala” [3]
May tamang antas/lebel ang pagsunod ayon rin kay Rizal, hindi basta’t sinasabing babae ay lahat ay susundin. Sapagkat kasama sa pagsunod ay ang katangiang may malaya’t sariling isip at sariling loob upang malaman ang liko at tapat:
“binigyan ng Dios ang bawa’t isa ng sariling isip at sariling loob, upang ding mapagkilala ang liko at tapat; paraparang inianak ng walang tanikala, kundi malaya, at sa loob at kalulua’y walang makasusupil, bakit kaya ipinaalipin mo sa iba ang marangal at malayang pagiisip. Duag at mali ang akala na ang bulag na pagsunod ay kabanalan, at kapalaluan ang magisipisip at magnilaynilay.” [3]
B. Tunay na Tungkulin at Kakayanan
Ayon din kay Rizal, ang tungkulin rin ng babae ay pagyamin ang mga tamang katangiang ito sapagkat ito ang kanyang ipamamana sa kanyang magiging supling.
Ayon din kay Rizal, ang tungkulin rin ng babae ay pagyamin ang mga tamang katangiang ito sapagkat ito ang kanyang ipamamana sa kanyang magiging supling.
“sa kadalaganhang punlaan ng bulaklak na mamumunga’y dapat ang babai magtipon ng yamang maipamamana sa lalaking anak” [3]
Kung makikita rito, tinitigan ni Rizal na ang tungkulin ng babae ay hindi sa pagiging ina o mapag-arugang emosyonal lamang na aspeto nagtatapos kundi nilawakan niya pa ang kanyang perspektibo sa “babae” bilang isang instrumento sa paghubog at “instrument for empowerment” sa kanyang mga anak:
“ang kagulanga’y bunga ng pagkabata at ang pagkabata’y nasa kandungan ng ina” [3]
“lalo na kayong mga babai, sa pagkat kayo ang nagbubukas ng loob ng tao”[3]
“gisingin at ihanda ang loob ng anak sa balang mabuti at mahusay na akala; pagmamahala sa puri, matapat at timtimang loob, maliwanag na pag-iisip, malinis na asal, maginoong kilos, pagibig sa kapuwa, at pagpipitagan sa Maykapal, ito ang ituro sa anak” [3]
Tinignan din ni Rizal ang pagiging isang ina na isang makapangyarihan at napakahalagang tungkulin, na maaaring magpayaman o magpabagsak sa isang bansa, na kung saan kung “ang ina’y alipin ay maaalipin din naman ang lahat ng mga anak”.[3] Na kung saan kung titignan na kung hindi “empowered” ang mga kababaihan ay may epekto ito sa kanilang lipi. At kung sa konteksto naman ng ina bilang simbolo ng isang bansa, kung ang bansa (ina) ay alipin, ay alipin rin ang kaniyang mga mamamayan (anak).
Kung kaya’t kung isusuma ang liham na ito ni Rizal, ang tunay na pagka-”babae” ay:
1. Marahil ay may matamis na loob, may magandang ugali, binibining anyo, mahinhing asal NGUNIT hindi nagpapalipusta o nagpapaalipin sa may maling kapangyarihan
2. may katapangang hindi maitatanggi na may kabanalan, na kung saan ang kabanalan ay hindi pagiging sunod-sunuran kundi:
1. Marahil ay may matamis na loob, may magandang ugali, binibining anyo, mahinhing asal NGUNIT hindi nagpapalipusta o nagpapaalipin sa may maling kapangyarihan
2. may katapangang hindi maitatanggi na may kabanalan, na kung saan ang kabanalan ay hindi pagiging sunod-sunuran kundi:
“ang unang kabanalan ay ang pagsunod sa matuid, anoman ang mangyari” [3]
3. may matamis na loob, may magandang ugali, binibining anyo, mahinhing asal NA HINDI NAKA-BASE sa pagiging relihiyoso
4. may malaya’t sariling isip at sariling loob upang malaman ang liko at tapat
5. hindi lamang nagtatapos sa pagiging ina kundi siya’y “instrument for empowerment”
6. ina: may mataas at mahalagang tungkulin
4. may malaya’t sariling isip at sariling loob upang malaman ang liko at tapat
5. hindi lamang nagtatapos sa pagiging ina kundi siya’y “instrument for empowerment”
6. ina: may mataas at mahalagang tungkulin
Elisha Roi M. Nepomuceno
Talahuli:
- [1] Collas, Juan, trans. Rizal's Unknown Writings. Manila: JRNCC, 1962. Print. Manila: Bookman, 1957. Print.
- [2] Joaquin, Nick. The Song of Maria Clara, and Other Poems of Jose Rizal. Manila: Alberto Florentino, 1969. Print.
- [3] Rizal, J. (1956). Liham sa mga Kababaihang TagaMalolos. Nobeleta, Kabite: Kalipunan ng mga Kapisanan.