Babaylanismo
Noong dumating ang mga Kastila, nagkaroon ng pagsugpo sa mga babaylan pati na rin sa paniniwala sa kanilang kapangyarihan. Bagama’t nagkaroon ng panibagong relihiyon, ang Katolisismo, hindi pa rin buong nawala ang paniniwala sa mga babaylan pati sa kanilang tinuturo. Ang susunod na ipapakilala ay isa lamang sa ilang mga kababaihan na pinapagpatuloy ang diwa ng kung ano ang tunay na babaylan.
Si Myra Beltran ay isang mananayaw. Mula pagkabata ang pagsasayaw na ang kanyang kinahiligan at ito ang rason kung bakit niya naisipang makipagsapalaran sa ibang bansa. Sa kanyang panahon sa ibang bansa, madaming mga katanungan ang kanyang napagtanto tungkol sa kanyang sarili at tungkol sa pagsasayaw bilang isang sining. Sa kanyang paghahanap ng kasagutan sa kanyang mga katanungan, nakaengkuwentro niya ang kwento ng babaylan – mananayaw, manlilikha, una at tunay na artista ng sayaw. Ang kanyang pag-intindi sa lugar at pagganap ng babaylan ang nagbigay-daan sa mas malalim na pag-unawa ng pagkakaugnay ng babaylan sa kanyang pagsasanay sa sayaw.
Una, ang sentro ng pagsasayaw ay ang katawan ng tao. Sa unang sulyap, tila mukhang walang namang panibagong konsepto dito pero pag-ugnay ng babaylan, parehong ang pisikalidad at spiritwalidad ay kasama. Dahil ang pisikalidad ay direktang nakaugnay sa karanasan, nagkakaroon ngayon ng pagsubok sa awtoridad. Ikalawa, upang mas magkaroon ng malalim na pag-unawa sa kanyang sining, kinailangan niyang baguhin ang mga pinakaugat ng kanyang mga natutunan mula pa lang sa simula ng kanyang pag-aaral ng pagsasayaw. Ayon sa kanya, ang tungkulin ng isang alagad ng sining ay ang tulungan ang publiko na mag-isip at hamunin sila na pumunta sa mga aspetong hindi gaano popular. Itong “paglaban” na ito ang pinaniniwalaan niyang tunay na diwa ng babaylan. Ito ay ang pagtutuloy ng paniniwala na ang sining ng paggawa ng mga imahe ay nakatutulong pa rin sa kaluluwa ng tao. Ito din ay nangangahulugan ng paglaban sa nagsesentralisang awtoridad.
Ang pamana ng babaylan ay ang pagiging parating konektado sa “tunay na mga pangagailangan at tunay na mga suliranin”. Gusto ni Myra Beltran na maging misteryoso ang babaylan dahil ang pagpupunyagi upang makilala ang babaylan ay siya mismong nagiging kilos tungo sa pagkilala sa kanya. At baka, ito mismo ang tunay na regalo ng babaylan.

(Mangahas at Llaguno 2006, 113-119)
Misha Espiritu
Mandirigma noon, mandirigma ngayon
Panahong ika-20 siglo, ang impluwensiyang Espanyol sa kultura at paningin ng mga Filipino sa kanilang sarili at sa lahat ng bagay sa kanilang paligid, partikular na sa kababaihan ay ramdam na ramdam pa rin. Ito’y makikita sa rason na bagamat naitatag ang dalawang organisasyon peminista, ang Asociacion Feminista Filipina noong 1905 sa pamumuno ni Concepcion Felix, at ang Asociacion Feminista Ilongga noong 1906 naman sa pamumuno ni Pura Villanueva Kalaw, na parehas naglalayong magkaroon ng pantay na karapatan pampulitika ang mga kababaiha’t kalalakihan (Quindoza-Santiago, 1996), mayroo’t mayroon pa ring mga kalalakihan na higit pa rin ang tingin sa kanila sarili.
Isang abugadong nagngangalang Perfecto E. Laguio, noong 1932 ay nagsulat at naglimbang ng isang librong pinamagatang Our Modern Woman: A National Problem (Quindoza-Santiago, 1996). Sa kanyang paniniwala, ang isang babae, partikular na sa mga Filipina, ay limitado lamang sa mga gawain ng isang ina, o ate, at hindi dapat na nakikisabayan sa mga gawain at karapatang tinatamasa ng mga kalalakihan. Sa kaniyang sulat, ipinaliwanag niya ang mataas na paningin, ang malamanikang pagmamahal na mayroon ang mga kalalakihan sa mga babae, ngunit sa panahong sila’y (mga babae) ay mapagbigyang bumoto, binababa lamang nila ang kanilang sarili sa paningin ng mga lalaki sa isa’t isa; na kung sila’y mabigyan ng mga kaparehas na karapatan ng mga kalalakihan, maiisantabi na ang “tradisyunal” na pag-aaruga’t pagmamahal na dati nilang natatamasa.
Panahon naman ng Martial Law nang muling umapoy ang espiritu ng tinatawag na Filipina activism. Dahil sa pagdedeklara ng dating Pangulong Ferdinard Marcos ng Martial Law sa buong bansa na pawang karahasan at pananakot ang dala, nagkaisa ang mga babae’t lalaki upang ipaglaban ang kani-kanilang karapatan, gayundin lamang ang karapatan ng buong bayan.
Dekadang 1970 nang nagkasama-sama ang mga mga peministang Filipina sa pagbuo ng isang pulitikal na organisasyong kanilang tinawag na Malayang Kilusang ng Bagong Kababaihan o MAKIBAKA. (Taguiwalo 2005 mula kay Castillo 2007). Nilayon ng organisasyong ito na ipakita ang kanilang katayuan ukol sa mga modernong suliranin na hindi lamang sa bansa natin makikita, partikular na sa mga gawaing umaalipusta’t bumababoy sa kababaihan tulad ng sexual trafficking, domestic violence at iba pa (Taguiwalo 2005 mula kay Castillo 2007). Malaki ang ginampanang papel ng organisasyon sa pagtulong at pagprotekta sa mga magsasaka, gayundin sa pagpapakita ng galing ng isang kababaihan. Sa panahon ng Martial Law, marami sa kanilang mga miyembro ang naging biktima ng karahasan, samantala ang iilan, tulad ng mga ilang political prisoners, ay bigla nalamang nawawala. Bagamat nabuwag ang organisasyon, ang kanilang pinaglalaban nama’y nabuhay sa kamalayan ng mga taong natulungan nila, hindi lamang ng mga kababaihan.
Ang peminismo ngayon ay hindi lamang isang dekorasyon sa kasaysayan ng ating bansa. Ang peministang Filipina ay hindi lamang mandirigma ng kasaysayan, isa siyang mandirigman ng noon at ng ngayon. Ang pamana ng bayani, ang pamana ni Rizal na tumulong hanggang kaya at lumaban hanggang kaya ay isang pamanang lalo pa dapat pagyamanin.
Mandirigma noon, mandirigma ngayon.

Eleona Mirabuena