Marami sa mga peminista sa Pilipinas ang hindi nakakaalam na ang konsepto ng peminismo na kinikilala nila ay isang hiram na konsepto lamang. Noong Hunyo 30, 1905 unang ginamit nina Concepcion Felix et al. ang salitang peminismo dito sa bansa noong itinatag ang Asociacion Feminista Filipina. Pero bago pa man ginamit ang salitang peminista o ang mas matandang salitang Espanyol na femenina, mayroon nang salitang babaylanismo na isang pambabaeng kaisipang likas sa mga katutubong Pilipino.
Ang babaylanismo, bagama’t malayo na ang narating sa ebolusyon nito at malalim ang pinag-uugatan sa kulturang Pilipino, ay kasalukuyang mahirap intindihin kung hindi ka kasapi ng mga grupong pinag-aaralan ang konseptong ito. Kakaunti ang alam ukol sa mga babaylan at ang kanyang kinalalagyan sa kasaysayan. Bakit nga ba hindi kilala ang mga babaylan? Mapuwera sa kakulangan ng datos sa kasaysayan ng Pilipinas bago ang kolonyal na panahon ng bansa, ang mas nakakapanlumo ay ang paraan ng pagbubura, pagbabago, o kaya’y maling pag-intindi sa mga iilang kababaihang nandoon na mismo sa mga arkiyolohikal at dokumentadong ebidensya. Ang pinakadiwa ng kasaysayan bilang isang nakatalang disiplina ay nakatuon sa mga political at ekonomikal na pangyayari kung saan ang mga lalaki ay may aktibo at prominenteng pagganap. Ang kababaihan naman ay iniiwan sa paanan ng kasaysayan bilang pasibong tagapanood.
Mahirap na maunawaan ang lugar ng babaylan bilang isang tauhan sa kasaysayan ngunit mas maraming pagsubok ang pinagdadaanan tungo sa pag-unawa sa kanila kung ang tagapag-aral ay magmumula sa pananaw na labas sa tunay na konteksto ng kasaysayan at kultura na ginalawan ng mga babaylan. Ang mga babaylan, kadalasan ay mga babae (kinakailangang may katangiang pambabae ang mga lalaking nais gumanap ng tungkulin ng babaylan sa lipunan), ay ang naging “espesyalista sa larangan ng kultura, relihiyon, medisina, at lahat ng teyoretikal na kaalam ukol sa kalikasan” ayon kay Dr. Zeus Salazar.
Anong klase ng mundo nga ba ang kayang humubog ng mga kababaihang may kakayahang pumantay sa mga datu at panday sa larangan ng pagiging isang tagapamuno ng lipunan? Inilalagay ng mga dalubhasa sa kasaysayan ng Pilipinas ang mga babaylan sa isang islang puno ng kasaganahan. Dahil sa kasaganahan ng kanilang tinitirahan, nagkaroon ng pagkakataon ang kababaihan na makilahok sa iba’t-ibang gawain sa lipunan. Maliban sa mga agrikultural na gawain, maraming kababaihan na magaling sa mga ibang bagay tulad ng paghahabi at pagpapalayok.
Ngunit ang mismong pihikang ganda at kasaganahan ng archipelago ang naging daan upang mailuklok ang mga kababaihan bilang babaylan. Dahil madalas makaranas ng iba’t-ibang sakuna tulad ng pagsabog ng bulkan, paglindol, at pagbagyo, nabuo ang paniniwala ng mga ninuno sa isang katas-taasang nilalang na tinawag nilang Bathala at sa iba’t-ibang mga espirito. Nabuo ang paniniwala na hindi lamang ang mga tao sa pisikal na mundo ang kanilang nakakasalamuha kundi pati ang iba’t-ibang mga makapangyarihang espirito. Dahil sa takot sa hindi nababatid pati na rin sa mga malalakas at hindi nakikitang mga espirito, nabigyang daan ang isang grupo ng mga indibidwal na maaaring makipagkasundo para sa biyaya, ibaling ang kamalasan, makita ang mga pangyayaring hindi pa nagaganap, gamutin ang pisikal at espiritwal na karamdaman, tulungan ang namamatay, at gabayan ang kaluluwa tungo sa kabilang buhay.
Tinawag ang mga indibidwal na ito sa iba’t-ibang pangalan: daetan (Samareños), catalonan (sa Bulacan at Batangas), mumbaki (Ifugaos), mabunong (sa Benguet), mensip-ok (sa Sagada), baglan (sa Pangasinan at Ilocos), mamallyan (sa Pampanga), babaylan (sa Palawan, Tayabas, Laguna, at Leyte), babaylana (sa Capiz, Antique, Iloilo, Cebu, at Negros), baylan (Mandaya), mabalian (Bagobos), kapandaian (sa Lanao).

(Mangahas at Llaguno 2006, 21-24)
Misha Espiritu