Si Donya Consolacion ay dating labandera ng napangasawa niyang alperes. Mula noon ay lagi na siyang nagsasalita sa wikang Espanyol kahit na napakapangit naman nitong pakinggan. Sa paningin niya, siya ay maganda, kilos reyna at mas maayos manamit kaysa kay Maria Clara. Sa paningin naman ng alperes, siya ay katawa-tawang manamit at kinahihiya niya ito. Laging may kasamang mura, insulto, at sumpa ang binibitawang salita ng alperes kay Donya Consolacion sa tuwing magpapaalam itong lumabas ng bahay. Bukod sa mataas na pagtingin sa sarili ni Donya Consolacion, malupit din ito at mapanlait. Nang minsang hindi siya payagan ng kaniyang asawa na lumabas, ibinunton niya ang kaniyang galit kay Sisa. Sa simula ay naantig siya sa awit nito subalit makaraan ang ilang sandali, pinasayaw niya ito at nilatigo. Habang nilalatigo niya si Sisa ay ngumingiti siya at nasisiyahan sa kaniyang ginagawa. Tumigil lamang siya sa pananakit kay Sisa nang dumating ang kaniyang asawang alperes.
Ang walang awa at malupit na paglalarawan ni Rizal kay Donya Consolacion ay isang pagmumulat sa mga Pilipino. Nais niyang maipabatid sa pamamagitan ng tauhang ito kung paanong nasisira at nagbabago ang kababaihan dahil sa kalupitan at kasamaan ng mga Espanyol kaya kailangan siyang sagipin ng mga Pilipino sa kinasadlakan niyang putik (Santillan-Castrence 1960, 52).

Cathleen Mae Garcia