Si Rizal at Ang Kababaihang Pilipino
Napili namin ang paksang ito dahil nais naming ipabatid sa mga mambabasa kung paano tinitingnan ni Gat. Jose Rizal ang kababaihan at kung ano ang estado ng mga kababaihan noong panahon ng Kastila. Sa paraan na ito, maipapakita ang pagbabago - o hindi pagbabago - ng mga kababaihan mula noon hanggang sa kasalukuyan.
|
Ang website na ito ay naglalayong talakayin ang estado ng kababaihan batay sa mga sulatin ni Gat. Jose Rizal. Nilalayon din nitong maipakita kung ano ang pananaw at paninindigan ni Gat. Jose Rizal patungkol sa kababaihan at sa paksang peminismo (feminism).
Mahalagang tingnan ang kalagayan ng kababaihan bilang isang isyung panlipunan. Sa tulong ng mga sulatin ni Gat. Jose Rizal, nais naming magbukas ng diskurso ukol dito. Ang mga kaisipang matatalakay mula rito ay inaasahang magbibigay ng iba't ibang pagtingin tungkol sa isyu ng kababaihan at makapanghihikayat pa ng malalim na pag-aaral ukol dito.
|